Saturday, January 22, 2011

| by Posted by Rhian Ramos

0

Rhian, umiwas kay JC

Jun Lalin


Hindi natuloy pumunta ng Cebu kahapon si R­ichard Gutierrez para sa Sinulog Festival kung saan ay may float ang pelikulang My Valentine Girls.
Nagkasakit kasi si ­Richard.

Ayon sa kuwento ni Annabelle Rama, masyadong mataas ang lagnat kahapon ni Richard nang gisingin ito ng assistant niyang si Rudy.
“The day before kasi ng biyahe niya papunta rito sa Cebu, nag-basketball pa si Chard. Nakatatlong game sila. 

“Pag-uwi niya ng condo niya, nag-empake pa sila at nagpapagising ng bago mag-5:00 AM, pero nang ginigi­sing na siya ni Rudy, ang sama na ng pakiramdam niya.

“Ang taas daw ng lagnat ni Richard at pina­inom na siya ng gamot, kaya tinawagan na ako ni Rudy kung ano ang gagawin. Sabi ko naman, magpahinga na lang siya.

“Lalala pa kasi ang sakit ni Richard kung pipilitin niyang magbiyahe, kaya pinatulog na lang siya.
“Eh, bukas kasi, may trabaho na naman siya,” kuwento ni Bisaya.

Araw-araw rin kasi ang shooting ni Richard para sa My Valenine Girls, kaya nagkasakit na ito.
“Marami naman ka­ming kasamang talents ko, kaya sila na lang ang pinasakay ko sa float ng My Valentine Girls.


“Malaki kasi ang float at aalug-alog kung sina Solenn (Heussaff) at ­Rhian (Ramos) lang.
“Nagkasama tuloy sa float sina JC (de Vera) at Rhian, pero hindi sila nag-usap. Umiwas siguro si Rhian na makipag-usap at baka malaman ni DJ Mo,” sey ni Bisaya na natawa sa kanyang ‘pang-iintriga.’

Anyway, kahit pinagkaguluhan din ng kanyang mga kababayan si Bisaya, aba, busy siya sa madalas na pagtawag sa alalay ni Richard para kumustahin ang kalagayan ng anak.
Kahit nasa Cebu nga siya ay nanay na nanay pa rin si Bisaya sa anak na si Richard at check siya nang check sa kalaga­yan ng anak.