Saturday, January 22, 2011

| by Posted by Rhian Ramos

0

Rhian Ramos,allergic kay de Vera?

Alfie Lorenzo

Binanggit ko kay Rhian Ramos sa presscon ng My Valentine Girls na magkapitbahay pala sila nina Juday at Ryan Agoncillo sa Alabang Hills.

“Ano ka ba Tito Alfie, ‘di ba ilang beses ko nang sinabi sa iyo ‘yan?” ani Rhian.
Ha? Eh wala pa ngang 1 year na nabili nina Juday at Ryan ang bahay nila ngayon, papanong masasabi sa akin ni Rhian ‘yun? Eh kay tagal naming hindi nagkita ng loka, mula nu’ng una ko siyang makilala nu’ng nagteteyping sila ni JC de Vera sa noon eh Virgin Cafe pa ni Boss Orly? 
Ilang taon na ba ‘yun?

It was that time na ipinakilala ko kay Rhian ang visiting friend namin from London na si Philip de Veyra, the top Pinoy hairdresser in London. Papasyalan daw ni Rhian ang shop ni Philip ‘pag bumisita siya sa parents niyang based in London where the handsome brothers James and Phil Younghusband spends their holidays.

Tinanong ko si Rhian Ramos kung galing ba siya sa London nitong Pasko? Hindi na raw siya nagpupunta ng London.
“Kasi lumipat na sa Thailand ang parents ko,” ani Rhian.
Binanggit kong nandito si Philip de Veyra from London at gusto niyang makita uli si Rhian. Saan ba siya mabibisita ni Philip?

“Huwag na! De Veyra din kasi ‘yan, parang si JC. Sa iyo na lang! Babay!” paalam ni Rhian sa amin ni Mother Lily.
Isa nga si Rhian sa “My Valentine Girls” ni Richard Gutierrez na showing sa February 9 as a Valentine presentation.

Glad si Mother Lily na walang other local film na kasabay ang showing ng movie nila ng GMA Films.
Allergic na ba si Rhian Ramos sa apelyidong De Vera? Bakit kaya?