Saturday, January 22, 2011

| by Posted by Rhian Ramos

0

Rhian,natutong magtipid dahil kay DJ Mo?

Journal Online


Ayon kay Rhian Ramos, natuto na siyang magtipid ngayon.

Sa presscon ng "My Valentine Girls" (kung saan isa siya sa tatlong leading ladies ni Richard Gutierrez), inamin niyang masyado siyang brand conscious dati. Pero ngayon, okey na sa kanya basta bagay sa kanya.

"At saka, okey na rin sa akin na magsuot ng damit na naisuot ko na," aniya. "At least, 'yung medyo matagal ko muna hindi gagamitin, tapos gagamitin ko rin ulit after a while."



Ito kaya ang influence sa kanya ng rumored boyfriend na si DJ Mo? Dahil hindi nga naman ganun kayaman ang boyfriend, natuto na siyang magtipid? Oh well, look at what love can do. Di ba, ganito rin ngayon ang kaso ni Heart Evangelista sa kanyang boyfriend na si Daniel Matsunaga?