Friday, October 22, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

RHIAN ADMITS CRYING OVER BREAK-UP WITH JC

                                                                              Jerry Ocampo


SA dinner break ng taping ng Kaya ng Powers kahapon, nakatsikahan namin si Rhian Ramos, gumaganap na anak nina Rufa Mae Quinto at Joey Marquez sa sitcom. Prangka at masarap kausap si Rhian. Walang itinatago at sinasagot ng  walang malisya ang kahit anong tanong sa kanya. Tulad sa tanong kung naka-move-on na siya sa paghihiwalay nila ni JC de Vera na inamin niyang anim na buwan na naka-on.


“Oo naman, okey na ako. Ngayon ay mas pinahahalagahan ko na ang pagkakaibigan, kaysa sa inakala ko na minahal ako,” say ni Rhian.


Nakakagulat din ang sagot ni Rhian na pitong buwan niyang iniyakan ang paghihiwalay nila ni JC. Tsika pa sa amin ng mestisang young actress, siya ang nagbigay ng idea kay Mo Twister na tanggapin ang challenge ni Ruffa Gutierrez na magpakita ng larawan na magkasama sila para ang ibabayad ni Ruffa na P10,000 kada picture ay ay ido-donate nila sa isang foundation.

Ano ba talaga ang real score sa kanila ni DJ Mo?

“As of now, we are friends,”agad niyang  sagot.