Habang tumatagal ay lalong gumaganda si Rhian Ramos. Ito ay napagmasdan namin sa taping ng sitcom na Kaya ng Powers sa Studio 7 ng GMA 7.
Gaya ng dati ay jolly at alive na alive si Rhian sa pakikipagtsikahan sa ilang kasamahan namin sa panulat.
Tuwing makakausap si Rhian ay hindi nawawala ang topic tungkol kay JC de Vera at Mo Twister.
Talaga palang ininda ni Rhian ang break-up nila ni JC. Mas nasasaktan pa siya sa mga nababasa niya na pilit na siyang nililimot ng dating boyfriend.
Tumagal ng six months ang kanilang relasyon, ayon sa magandang aktres. Ang ikinaloka namin ay inabot ng pitong buwan bago naka-move on si Rhian sa break-up nila ni JC.
Nagpapatunay lang ito kung gaano niya kamahal si JC at ikina-depress niya ang paghihiwalay nila.
That time pa naman daw ay wala siyang project. Awang-awa raw sa kanya ang mommy niya. Kung tutuusin ay ayaw na niyang mabanggit ang tungkol sa pinagdaanan niya kay JC. Mabuti na lang at nakaraos din siya.
Si Mo Twister ay talagang kaibigan lang niya at ‘yung mga naglalabasang picture ay purely fun lang.
‘Yun daw litratong may Eiffel Tower background ay chroma lang pala. Pinatayo raw siya sa harap ng white wall at inilagay na ang kung anu-anong background. Hindi siya apektado sa mga naglalabasang isyu sa kanila ni Mo Twister.