Monday, October 25, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

RHIAN, DJ MO'S 'ESCAPADES' CAPTURED ON CAM



NAGHAMON si Ruffa Gutierrez na kung sinuman ang makapagpapakita sa kanya ng photos na magkasama sina DJ Mo at Rhian Ramos ay babayaran niya ng Ten Thousand Pesos kada pictures.


Nalokah si Ruffa sa taping ng Paparazzi dahil may naglabas ng sampung photos na magkasama sina Mo at Rhian kaya kailangan niyang magbayad ng P100,000 dahil P10,000 bawat isang larawan.



May kuha sina DJ Mo at Rhian na magkasamang  nagsa-shopping. Magkasamang  kumakain  at  nanonood ng sine, at higit sa lahat magkasamang pumasok sa isang hotel.
Tinanong ulit si Ruffa kung magbabayad ba ulit siya kapag may photos na namang magkasama sina Mo at Rhian.

Ang malakas, pero nakangiting sagot ni Ruffa: “Hindi na! Ayoko na! At least ngayon ay kumpirmado nang may relasyon sila (Mo at Rhian).”

Pagkatapos ng taping kinausap namin si DJ Mo para alamin kung totoong lahat ang mga larawan na lumabas at ilang buwan na ba silang mag-on ni Rhian.
“No! Wala kaming relasyon ni Rhian. Matagal na kaming magkaibigan. ‘Yong  photos na nakita ninyo at inilabas sa Paparazzi ay ginawa namin talaga ni Rhian para sa hamon ni Ruffa,” say ni DJ Mo na  nakatawa  pa.

Pinag-usapan daw nila ni Rhian na gawin nila ang mga nakakikiliting eksenang ‘yon. 
Pero, kung hindi nagtapat  si DJ Mo na planado lahat ang pictures na ‘yon nila ni Rhian ay hindi na sila puwedeng magkailang may relasyon.
Pinatotohanan din ni Cristy Fermin na planado lahat ang photos na magkasama sina Mo at Rhian. Sabi pa ni Cristy, dalawang araw ginawa nina Mo at Rhian ang photos na magkasama sila na kunwari ay super-sweet.