Thursday, October 21, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

RHIAN'S NEW DANCE ALBUM



Nitong nakaraang linggo ay muling ipinakita ni Rhian Ramos ang kanyang kakayahan sa pag-awit sa Party Pilipinas when she sang the theme song to her fantaserye, Ilumina, with Aljur Abrenica and Up Dharma Down. Soon the fans will get to hear more of Rhian dahil malapit na ang release ng kanyang kauna-unahang album.

 “Ilang beses na rin naming namo-move yung pagrelease ng album. It was supposed to be in the middle of the year,” says Rhian. “Yung nangyari, we decided na dapat yung week before my birthday na lang ilalabas, para ano, it’s a birthday thing, masaya lang kasi narcissistic ako. So a week before my birthday dapat. Ngayon, nung bigla akong pumasok sa Ilumina at Kaya ng Powers at Party Pilipinas all at the same time, nawalan ako ng time mag-record, at hindi lang yun, pag nagrerecord na, paos na, kasi lagi nang hindi nakakatulog. So it takes longer, so baka ma-move ulit. Pero hopefully, yun pa naman ang goal na date namin, a week before my birthday which is October 3 so baka last week pa ng September yan lumabas.”

Anu-anong mga paghahanda ang kanyang ginagawa para sa album na ito?

“Pagka hindi naman kailangan, try lang na i-moderate yung boses. Kontrolado lang ang labas kasi ayun na nga, nakakapaos talaga ang puyat,” kuwento niya. “And ayun na nga, Monday, Tuesday, Wednesday at saka Friday yung Ilumina, Thursday, Kaya ng Powers, Saturday Sunday, siyempre rehearsal pa tapos Party Pilipinas so hindi pa talaga ako nakaka-rest. So yung pinakamagagawa ko lang na preparation, yung mga naririnig mong okay para sa boses. Mag-salabat o mag-mga Chinese herbal herbal [tea]. So wala na akong ibang magagawa e. Pahinga lang ang kailangan e.”
 Of course, hindi naman mawawala ang kanyang pagsabak sa mga workshops para mas malinang ang kanyang talent sa singing. “Nag-workshop ako before and habang ongoing naman yung recording namin, may coach pa rin ako dun para.. pag alam mo yun, pag mga ilang oras, pag mga apat na oras ka nang kumakanta or kahit mga two hours pa lang actually, minsan nagiging tone-deaf ka na e. so kailangan pa rin ng bantay na mas may experience sa akin kasi first time ko naman ‘di ba.”

Ano naman ang maaasahan ng mga fans ni Rhian na marinig sa kanyang album?

“Yung album ko, more of pop, rockish pop, basta pop. Ayun, both with English and Tagalog songs, pero ayun na nga, mahirap gawin kasi puro orig,” paglalahad niya. “Mas maraming about love under my request, kasi kami at saka ni Francis Salazar, si Kiko, lagi kaming nag-uusap kasi siya ang nagsusulat ng mga songs ko, and lagi kaming nag-uusap and nagshe-share about personal stuff, kasi ayaw naman naming maglabas ng isang bagay na hindi pala galing sa puso, na kinanta ko lang pala, na hindi galing sa akin.”