Tuesday, November 16, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

Wakas ng 'Ilumina',maaksyon at madrama



Alfie Lorenzo

Puno ng maaaksyon at madadramang tagpo ang matutunghayan sa nagbabagang pagtatapos ng Ilumina. Hitik nga ito sa mga hindi inaasahang rebelasyon mula sa mga bidang sina Christopher de Leon, Jean Garcia, Ara Mina at Cesar Montano, kasama sina Rhian Ramos, Aljur Abrenica at Jackie Rice.

Tampok sa Ilumina ang matagal nang alitan ng mga itim at puting sorsera na nagnanais makuha ang Aklat ng Salamangka na mas kilala bilang Ilumina dahil ang may hawak nito ay magkakaroon ng matin ding kapangyarihan.

At bago magsara ang aklat ng Ilumina, makakasama sa huling linggo sina Carla Abellana at Bianca King bilang sina Hannah at Efra, ang mga makapangyarihang mga sorsera na nirerespesto at kinikilala bilang mga haligi ng kapayapaan at katahimikan noong u nang panahon.


Matatandaan na nilason ng mga itim na sorsera na sina Elvira (Jean) at Frederico (Christopher) si Romano (Cesar), ang may hawak ng Luminos na susi ng Ilumina.  Kasabay nito ay pinadala nila ang binuhay nilang si Elsa (Ara) para makuha nito ang Luminos dahil kailangang maisalin sa iba ang susi bago mamatay ang nangangalaga nito.

Masayang-masaya si Romana (Rhian) nang makita ang inang si Elsa sa lugar ng mga puting sorsera, pero para para kala Elena (Rochelle Pangilinan), sugo si Elsa ng mga kalaban. Pero hindi ito pinaniwalaan ni Romana. Bukod sa pagtatanggol sa ina, napalitan ng pighati ang kasiyahan ni Romana dahil sa naghihinga long amang si Romano.

Ayon sa kanyang guro, tanging ang Ilumina lang ang makakapagsalba kay Romano kaya minabuti ni Romana na gawing bato pansamantala ang ama habang binabawi niya ang Aklat ng Salamangka. Kayanin kaya ni Romana na mapuksa ang mga kalaban? Mabawi kaya niya ang Ilumina sa tamang oras? Paano kung malaman niyang sugo ng kadiliman ang inang si Elsa, papatayin ba niya ito o palala yain at patatawarin? 

Samantala, ang alam ni Krisanta (Jackie) ay patay na ang kanyang amang si Romano. Ito na ba ang simula ng kanyang pagbabago? Paano kung malaman niyang buhay rin ang inang si Elsa?

Malamig naman ang pakikitungo ni IƱigo (Aljur) kay Krisanta dahil napilitan itong magpakasal sa huli para maisalba ang buhay ng kasintahang si Romana at dahil dito, puntahan kaya ni Krisanta si Elsa para sa kalinga at pagmamahal? 

May pag-asa pa kayang muling maging isa ang dating kambal-tuko? Paano matitigil ang labanan sa pagitan ng mga puti at itim na sorsera? At sa huli, sino ang mananaig at magi ging tagapangalaga ng Ilumina?

Ang Ilumina ay mula sa direksyon ni Mark Reyes. Magtatapos na ito sa Nov. 19.