Monday, November 15, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

"Ilumina"nagbabaga ang aksyon at drama

 Alfie Lorenzo


Maaksyon at madadrama ang mga tagpo sa nagbabagang pagtatapos ng telefantasyang Ilumina.
Tampok dito ang matagal nang alitan ng mga itim at puting sorsera na nagnanais makuha ang Aklat ng Salamangka (na mas kilala bilang Ilumina).


Ang may hawak nito ay magkakaroon ng ma tinding kapangyarihan. 
Bago magsara ang aklat ng Ilumina, makakasama sina Carla Abellana at Bianca King bilang sina Hannah at Efra, mga makapangyarihang mga sorsera na haligi ng kapayapaan at katahimikan noong unang panahon.  


Sa panahong walang nang pag-asa ang lahat, hihingi ng tulong ang may-akda ng Ilumina na si Elizaria (Sam Pinto) sa mga makapangyarihang mga sorsera kaugnay sa pinakahuling labanan ng mga mabubuti at masasamang sorsera.



Nilason ng mga itim na sorsera na sila Elvira (Jean Garcia) at Frederico (Christopher de Leon) si Romano (Cesar Montano), ang may hawak ng Luminos na susi ng Ilumina.  
Ipinadala nila ang binuhay nilang si Elsa (Ara Mina) para makuha nito ang Luminos dahil kailangang maisalin sa iba ang susi bago mamatay ang nagngangalaga nito.


Masayang-masaya si Romana (Rhian Ramos) nang makita ang inang si Elsa sa lugar ng mga puting sorsera pero para kay Elena (Rochelle Pa ngilinan), sugo si Elsa ng mga kalaban. 


Hindi ito pinaniwalaan ni Romana.  Bukod sa pagtatanggol sa ina, napalitan ng pighati ang kasiyahan ni Romana dahil sa naghihingalo nang ama na si Romano.  


Ayon sa kanyang guro, tanging ang Ilumina lamang ang makakapagligtas kay Romano kaya minabuti ni Romana na gawing bato pansa mantala ang ama habang binabawi niya ang Aklat ng Salamangka.  


Mapuksa kaya ni Romana ang mga kalaban?  Mabawi kaya ng dalaga ang Ilumina sa tamang oras?  


Paano kung malaman niyang sugo ng kadiliman ang inang si Elsa?  


Samantala, ang alam ni Krisanta (Jackie Rice) ay patay na ang kanyang amang si Romano.  Ito na ba ang simula ng kanyang pagbabago?  


Paano kung malaman niyang buhay ang inang si Elsa?  


Malamig ang pakikitungo ni Iñigo (Aljur Abrenica) kay Krisanta dahil napilitan itong magpakasal sa huli para maisalba ang buhay ng kasintahang si Romana. Puntahan kaya ni Krisanta si Elsa para sa kalinga at pagmamahal?  


May pag-asa pa ka yang muling maging isa ang dating kambal-tuko?  Paano matitigil ang labanan sa pagitan ng mga puti at itim na sorsera?  


Sa huli, sino ang mananaig at magiging tagapangalaga ng Ilumina?