Wednesday, November 3, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

Rhian at Dj Mo,hawak kamay sa East Wood

  Abu Tilamzik   


Nakunan ni Danzen Santos na paparazzo ng Tweetbiz sina Rhian Ramos at DJ Mo Twister na magkasamang naglalakad na magka-holding hands sa Eastwood nu’ng Huwebes.


Kuwento ni Danzen na lumabas sa Tweetbiz kagabi, sinubukan niyang interbyuhin ang dalawa na ikinagulat nila nang nalamang nakunan sila ng camera ng Tweetbiz.


Dahang-dahang tinang gal daw ni Rhian ang pagkahawak sa kamay ni DJ Mo at hinarap nila si Danzen.


Galing daw sila sa isang party ng isang kaibigan at pauwi na raw sila dahil inaantok na raw si Rhian.


Mukhang hayagan na ang kung ano mang rela s yon ng dalawa pero wala pa rin silang inaamin sa mga nakaraan nilang interviews.

Sinubukan naming hingan ng reaksyon dito ang GMA Artists Center pero hindi pa kami nasasagot kaya hindi namin alam kung gusto ba nila ang mga ganitong pangyayari.


Ewan kung okay lang ito sa mga sumusubaybay ng Ilumina dahil marami na raw ang nakakapansin ngayon sa set na iba na rin ang closeness nina Rhian at Aljur Abrenica.


Dati raw kasi ay med yo nahihiya pa ang dalawa na magtsikahan, pero ngayon ay madalas na raw silang nag-uusap sa set at nakikitang kumportable na sila sa isa’t isa.