Wednesday, October 27, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

RHIAN RAMOS HINDI PA HANDANG UMIBIG

           Gerry Ocampo   


Tawa lang ang laging isinasagot sa amin ni Rhian Ramos sa tuwing makakausap namin sa taping ng Kaya ng Powers sa GMA7 kapag nababanggit ang pagli-link sa kanila ni DJ Mo Twister. 


Kahit na inamin ni Mo na special girl sa puso niya si Rhian, laging sagot ng young actress: “Basta as of now, talagang friend lang kami.And for me, bina-value ko ’yung friendship namin. Bahala na sila kung ano ang gusto nilang isipin tungkol sa akin.” 


Nasaktan na raw siya sa pakikipagrelasyon at tama na ’yung pitong buwan ni-yang iniyakan ang paghihiwalay nila ni JC de Vera. 


Sa trabaho raw naka-focus ngayon si Rhian dahil bukod sa fantasy-sitcom na Kaya ng Powers with Sheena Halili, Elmo Magalona, Rufa Mae Quinto at Joey Marquez na napapanood every Saturday sa GMA7, may importanteng role rin siya sa Ilumina, kaya wala siyang panahon sa pag-ibig.