
Inamin ni Rhian Ramos na dalawang buwan nang nanliligaw sa kanya si DJ Mo. Four years na raw silang magkaibigan ni Mo pero lately lang ito nagpapahayag ng damdamin kay Rhian. Nang nakausap namin si Rhian sa set ng Kaya ng Powers, very vocal siya sa pinagdaanan nila ni Mo bilang magkaibigan.
Hindi raw niya malilimutan sa binatang-ama ang pagbibigay sa kanya ng pasalubong na cream cheese sandwich na paborito ng dalaga noon pang bata siya.
“Natatandaan ko, 16 pa lang ako nang maging kaibi-gan ko si Mo na 29-years-old na. Pero nagkatagpo ang utak namin kaya enjoy akong kasama siya.”