Thursday, November 11, 2010
| by Posted by Rhian Ramos
0Rhian admits dating Mo
Nalulungkot si Rhian Ramos kasi huling dalawang linggo na ng Ilumina and this week na ang last taping days nila.
Naging sobrang close kasi sila ng co-stars niyang sina Aljur Abrenica at Jackie Rice, bukod pa sa naging no.1 din sa primetime ang Ilumina.
Wala raw namuong romansa kina Aljur at Rhian dahil may ibang girl na pinupormahan si Aljur at ito ay si Rich Asuncion, na kailan lang ay umamin na nagdi-date sila.
Si Rhian naman, hindi ikinaila na nakikipag-date din ngayon sa bestfriend niyang si Mo Twister.
Ngayon lang nagsasalita tungkol sa kanyang lovelife si Rhian, pagkatapos na maging ka-MU (mutual understanding) noon ni JC de Vera.
Muntik na raw maging “sila” ni JC pero si Rhian daw ang nanlamig kay JC pagkatapos ng soap nilang LaLola sa GMA7.
Hindi naman nag-elaborate si Rhian kung ano ang naging dahilan ng panlalamig niya kay JC.