Saturday, November 13, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

Umamin,Mo importante sa buhay ni Rhian

Nitz Miralles

Magre-react na naman nito ang Rhian Ramos haters dahil after Ilumina, may next project na siya sa GMA 7, this time, hindi siya aarte, kundi magho-host ng isang bagong show ng network na ayaw pang pangalanan. Manghula na lang tayo pare-pareho!

Nang pinapanood ang finale AVP ng Ilumina, saka lang na-realize ni Rhian na maganda pala ang kanilang soap na hindi niya napapanood sa rami ng trabaho. Sa final week next week, guests sina Carla Abellana at Bianca King at maraming twist ang mapapanood.


Nakatikim din ng harness si Rhian at nagka-muscle rin siya sa pagbitbit ng payong na mabigat pala dahil gawa sa leather.


Nahilo man sa paliwanag, inamin na rin ni Rhian ang panliligaw sa kanya ni Mo Twister at matutuwa si Mo dahil nagawan ng paraan ni Rhian na maipaayos ang regalo nitong cashmere house robe worth P50,000 na kinain ng kanyang aso.
“If ever matuloy ito (ang panliligaw ni Mo), first time na friends muna kami, kaya kilala na namin ang isa’t isa. Alam na niya kung baboy akong kumain, kung nagpapa-cute ako at ganun din siya sa akin. Maganda na inamin niya ang panliligaw sa akin, pero pareho pa rin ang chances niya kundi siya uma min. Alam ko na ugali niya at mabait siyang tao,” sabi ni Rhian kay Mo who is 10 years older than her.