Saturday, November 13, 2010

| by Posted by Rhian Ramos

0

Aljur nabitin kay Rhian

Abu Tilamzik

Nahihirapam si Rhian Ramos na sagutin ang isyu nila ni DJ Mo Twister dahil pinanindigan niyang nasa ligawan stage pa lang sila at hanggang doon pa lang daw.


Ang isyung nakunan sila ng Tweetbiz na nag lalakad sa Eastwood ng naka-holding hands ay personal daw nila na lakad iyun at wala raw masama kung hinahawakan ni Mo ang kanyang kamay.

“Kasi, nu’ng patawid na kami ng street, wala, hinawakan niya lang, eh. Ako, okey lang naman din, kasi wala lang.

“Parang four years ko na siyang kakilala, tapos wala namang masama. Maganda naman din na pinoprotektahan niya ako.

“Marunong naman akong tumawid ng street pero maganda lang din na ‘pag lumabas ang lalaki at babae, nandu’n pa rin ‘yung pagka-gentleman ng lalaki. So, na-appreciate ko naman,” paliwanag ng young actress sa farewell presscon ng telefantasyang Ilumina kamakalawa nang gabi.
Nanggaling daw kay Mo ang statement na nanliligaw pa lang siya, kaya wala na raw siyang madadagdag pa roon, dahil wala pa raw development sa ngayon.

Kung ano man ang desisyon niya sa panliligaw na iyun ni Mo ay nasa kanya na lang daw muna iyun at wala pa siyang maikukuwento tungkol diyan.

Ilang beses naming inurirat si Rhian tungkol sa panliligaw ni DJ Mo pero safe pa rin ang mga sagot at ang tanging naamin niya ay close siya sa DJ/TV host.
Si Aljur Abrenica ay na ging close na rin daw sa kanya,

Gusto raw niyang pagbigyan ang paanyaya ni Aljur na pumunta sa bar nito sa Batangas pero hindi nagkakatugma ang sche dule nila.

Sabi ni Aljur, balak niyang ligawan si Rhian.

“Gusto ko si Rhian na personally kung pwede ko nga syang maging girlfriend or ligawan talaga, gagawin ko,” pahayag ni Aljur.

“Parang wala, eh. Sa ngayon kasi, mas kinikilala ko pa rin siya at konting panahon lang ang pinagsama han namin, tatlong buwan, so nasa process na magiging magkaibigan kami.”
Medyo bitin kay Aljur ang tatlong buwang pagsasama nila sa taping ng Ilumina para makilala niya nang husto ang young actoress.

Binalikan namin si Rhian para hingan ito ng reaksyon pero hindi niya kami nasagot.
Parang namilipit ito na hindi alam kung ano ang isasagot niya sa sinabing iyun ni Aljur.

“Ano ba?! Asan siya?! Hahaha! Ikaw, AJ, tumigil ka, ha?!” hinahanap ni Rhian si Aljur na nakaalis na dahil sa masama na ang pakiramdam nito.

“Hindi, kasi kami naman ni Aljur, nagkakausap din kami. Nu’ng malaman pa lang namin na magkaka trabaho kami, hindi pa nagsisimula ang Ilumina, gumawa kami ng effort para makilala ang isa’t isa.

“Tapos wala, parang nagku kwento kami sa tungkol sa mara ming bagay,” sagot ni R hian na hindi na alam kung saan pa siya kukuha ng isasagot sa pangu ngulit namin.

Ipinangako ni Rhian sa amin na sasabihin niya ang lahat at wala raw siyang itatago lalo na pagdating sa lovelife niya.
Samantala, naikuwento na rin ni Rhian sa amin na baka may kasunod pa raw itong project na posibleng pagsasama han nila Aljur.

Mabuting abangan na lang daw itong huling linggo ng Ilumina dahil may malaking sorpresa pa raw sila sa pagtatapos nito na sasalihan ng isang malaking artista.

Ilan pa sa may malaking bahagi sa pagtatapos nito ay ang pagsali nina Carla Abellana at Bianca King.