Saturday, January 22, 2011

| by Posted by Rhian Ramos

0

Rhian at JC Parehong kinamumuhian ang isa’t isa

Lolit Solis


Hindi ako na-surprise nang mabasa ko na dinedma ni Rhian Ramos si JC De Vera nang magkita sila sa Sinulog Festival sa Cebu noong Linggo.
Hindi maganda ang paghihiwalay nina Rhian at JC kaya parang hindi nila kilala ang isa’t isa kapag nagkikita sila.

Natatandaan ko ang insidente nang makasabay ko sa elevator sina Rhian at JC pagkatapos ng joint presscon nila para sa La Lola sa 17th floor ng GMA 7.
Kitang-kita ko na iritable at nakairap si JC kay Rhian dahil hindi niya nagustuhan ang mga pagtatanong ng mga reporter tungkol sa naging relasyon ni Rhian kay Mark Herras.

 Sinagot ni Rhian ang mga Mark Herras question pero wala siyang kamalay-malay na nakikinig si JC at nakakaramdam na ng selos. ‘Yun ang time na umamin si Mark na nagkaroon sila ng relasyon ni Rhian.
Malabong magkaroon ng sequel ang love affair nina Rhian at JC dahil committed na sila sa iba. In love na in love si JC sa kanyang girlfriend na si Danita Paner at habang tumatagal, lalong nagiging seryoso ang relasyon ni Rhian kay Mo Twister.