Saturday, January 22, 2011

| by Posted by Rhian Ramos

0

Rhian at DJ Mo, magpa-Pasko sa Bangkok

Jun Lalin


Magkasamang magpa-Pasko sa Bangkok, Thailand ang rumored-sweethearts na sina DJ Mo Twister at Rhian Ramos.Sa Biyernes ang alis nina DJ Mo at Rhian pa-Bangkok at may dinner sila roon kasama ang Daddy ng young actress.Sa bansang ‘yon based ang Daddy ni Rhian at overnight lang sila roon dahil sa mismong Pasko ay may dinner sila rito sa Pilipinas kasama ang mommy ni DJ Mo.Sa Linggo ang alis ni DJ Mo pa-Paris, France kung saan niya balak salubungin ang 2011.Ayon sa isang source, malamang na hindi makasama ni DJ Mo si Rhian sa pagsalubong ng 2011 dahil may lakad daw ang young actress kasama ang mommy nito. Magsi-Singapore raw ang mag-ina sa New Year.Pero tama ba ang idinagdag ng source ko na pipilitin ni Rhian na sumama kay DJ Mo pa-Paris sa Disyembre 26?Malamang daw na mag-dinner lang ang dalawa sa Paris at babalik kaagad ng Pilipinas si Rhian para sa Singapore trip nila ng kanyang Mommy.Kapag nagkataon daw, less than 24 hours lang sa Paris si Rhian.O, di ba naman, bongga sina DJ Mo at Rhian?! Paguran ang biyahe nila kesehodang hindi pa sila umaamin na mag-on, ‘no?!